Tips

Hi, alam kong di po ako kagalingang magsulat ng stories dahil mas komportable po akong magsulat ng screenplay formatted script pero sana po matuto kayo ng kahit kaunti lamang sa ginawa ko because I wanted to help you guys who are asking me about this stuff. So here it is. Leave a comment if you have clarifications and questions.

 

1.     Concept.

Ang concept ang pinakamahalaga sa lahat. Paano ka makakagawa ng istorya kung wala kang concept diba? Hindi naman yun basta susulpot lang and then, presto! May story na ako! Hindi yun nakukuha sa isang split at tatlong tumbling kundi 5 split, isang tumbling at dalawang backflip. (de joke lang xD) Alam naman nating lahat na napakarami nang story concepts ang nagkalat sa mundong ito, maaaring may magkakapareho nang hindi sinasadya o baka merong talagang sinadyang gayahin or whatsoever, ang maipapayo ko lang in regards sa konsepto, kung alam mo sa sarili mong gasgas na ang concept mo or masyado nang madaling hulaan ang takbo, nosi balasi? Make your story the very unique among all of them. You have the power and will to change kung ano yung nakasanayan nang basahin ng ilan sa atin. Make the move. Change what is the usual. Yun ang ilagay mo sa konsepto mo. Kung mahilig ka sa gangster genre, pilitin mong sayo ang pinaka-unique. Yung tipong papatayin ng gangster bida boy si leading lady (CHOS! JOKE LANG! WAG GAYAHIN! AKIN NA YAN. HAHAHA. DEJOKE.) O kaya sa mga playboy and good girl type na tipong pati yung nanay ni good girl, jojowain ni playboy (NYAK.PEDO? HAHA.) At sa mga gwapong supladitong bida boy na kapag dumadaan sa school corridor e nagtitilian ang mga girls tas nasa likod si girl, inis o kaya may HD sa kanya at ang ending dadaan lang yung lalaki para puntahan ang totoong bida girl (YUN PALA, FEELER LANG ANG NAUNANG BABAE. DI SIYA ANG BIDA.) Basta, it’s up to you. Paganahin mo ang creativity mo. Each one of us has a talent to create something apart from those. Kahit alam mong pangkaraniwan ang konsepto mo, make it the most memorable one na maaalala ng mga readers mo. Gaya ng ganito: Ay si tonewritestragedies! Ang galing ng story niya . yung “Beauty and the Little Mermaid with Snow White featuring Aladdin with special participation of Mickey Mouse”? Shet friend! Basahin mo. Prologue pa lang, ending na agad! Patay ang lahat ng bida nang sumabog yung Yellow Submarine ng The Beatles. O diba? Keribels lang.

 

2.     Title.

Isa sa mga mahirap isipin kapag may konsepto ka na, minsan naman, title agad ang nauuna before concept. May mga instances na ganyan at aminado akong isa ako sa mga borlogs na ganoon ang takbo ng utak. Sa pag-iisip ng title, wag namang mayadong gamit na o halatado na ang istorya. Lagyan mo ng kaunting spice sa title para makaattract agad ng readers. Stay away from titles like ”My Super Boyfriend”, The Stereo Hearts”, “Marrying the Boss” at “1 Message Received”. Na animo’y walang kacreate-creativity diba? Try to use something catchy to attract someone like this: “I Love My Pig”, “Do You Know How Much is the Fare from Cubao to PUP?” o naman kaya “Utot mo, Rainbow.” Sa ganyan, matutuwa tayong basahin agad ang prologue o chapter 1 ng story nila diba? Iisipin mo tuloy, bakit kaya mahal ng bida yung baboy niya? Dahil ba kulay pink siya? O naman kaya iisipin mo, magkano nga talaga ang pamasahe mula Cubao papuntang PUP? Mage-LRT ka ba? Jeep? Or tryke? Yun pala, maglalakad na lang si bida dahil wala siyang pera. The End.  Sa “Utot mo, Rainbow” naman, papansin lang ang author dyan. May kulay ba ang utot? Honestly?! Pero malay mo diba, meron talaga? You are the author of your own story. Make the title, the whole story instead.

 

3.     Characters.

Sa characters naman bahala ka kung ilan. May bida, may supporting bida, may extrang bida, may bida-kontrabida at meron din syempreng bida-bidahan. Anything. Pwedeng isa, dalawa or tatlo. It depends to you on how you make them real when it comes to introducing them to readers. Bahala ka kung isang battalion ang gagawin mong bida. Basta kaya mo silang pagalawin sa frame ng story mo at gawan sila buhay. Don’t make a character na kaparehas ng isa. Bigyan mo sila ng isa-isang character traits na wala ang iba para swak sila sa isa’t isa diba? When it comes to giving your characters’ name, don’t choose too odd, don’t choose too ordinary. Sakto lang. pwede rin unique gaya ng Sponge Patrick at Bob Star diba? Bigyan mo sila ng magandang ‘start’ pag pumasok na sila sa eksena. Yung tipong ang nasa script, nag-uusap ang dalwang extra tas may madadapa sa may likuran nila, di natin alam yun na pala ang bida (HAHAHA. SARREH. WALANG KWENTA ANG EXAMPLE) Basta parang utot lang, hindi rainbow ha. Silent but deadly.

 

4.     Storytelling.

When it comes to storytelling, ayusin natin ang pagtatype. Wag putol, wag jejemon at wag lalong mahirap basahin. Kung may typo, keri lang. May CTRL+Z naman diba o kaya backspace. Pwede pang iedit. Dahan-dahanin pero wag namang masyadong madaliin.

 

Kung third person ang storytelling mo, pwede na yung ganito: Kakamot-kamot ng ulo si Finn habang tinitignan ang exam results niya sa Trigonometry kahapon. Nag-aral siya pero hindi niya malubos-maisip kung bakit hindi niya naipasa ang pagsusulit na iyon. Sino nga bang tao ang hindi makakapag-concentrate sa pagsasagot sa exam kung katabi nya na pala ang kaisa-isa nyang crush na si Rachel simula noong fetus pa lang siya? Mapapansin ba siya nitong isa lamang siyang nerdy-nerd sa klase at ito ay isang sikat na cheerleader ng kanilang eskwelahan?

 

Sa simpleng pagkukwento, nalaman na agad natin na si Finn pala ang bida at si Rachel ang kanyang crush. Kahit hindi natin nilagay sa example yung itsura niya mismo at ano ang ginagawa sa kanya,may hint na tayo kung ano ang karakter nila sa istorya, opposites do attract pala. When we tell story, wag tayo mas literal o kaya bitin. Saktong kwento lang.

 

Kung mala-POV, try this: Akala ko bagsak ako sa Trigo exam pero bagsak nga talaga ako. Ang hirap naman kasi e. kahit nagpuyat ako kagabi para lang pag-aralan yung mga formula, wala ding nangyari kasi si Rachel lang yung tumatakbo sa isip ko nang mga oras na ‘yun. Ang mukha nya ang naging formula ko. Idagdag niyo pang katabi ko pa syang nag-exam e di lalo nang nawala ang mga pinag-aralan ko. Ang ganda niya kasi e. pero hindi niya ako magagawang pansinin dahil isa lang akong hamak na nerd at siya naman ay isang cheerleader na sikat dito sa school.. Trigonometry exam pero sagot sa Physics ang isinulat ko…

 

This is where we’ll see Finn who he is. Isa siyang hopeless romantic na patay na patay kay Rachel. Sa simpleng pagkwento, mapapaintindi agad natin ito sa ating mga readers. Wag masyadong technical. Have your own writing style. Be your character.

 

TIP: If you’re gonna do a POV for boys, be extra sensitive. Sa mga girls, syempre natural lang yan kasi alam natin kung paano mag-isip at magsalita ang mga babae diba, sa mga bading na characters na rin as well. Don’t try your male character to speak like a girl. Alam ko mahirap gumawa ng POV ng lalake, pero kung iisipin mo, it’s more natural. Pansinin mo kung paano magsalita ang mga boys (e.g. your brother, your male cousins, your guy classmates, your boyfriend) sa ganoong paraan, mas may idea tayo kung paano magsulat ng POV para sa isang lalake sa kung paano sila mag-isip, magsalita o makipag-usap. Kung hirap ka pa din, try to read books na lalaki ang author na may male POV as well. Mas makakatulong yun.

 

5.     CAN I HAVE A STORY NA WALANG KONTRA-BIDA?

Sure you can. Pero wag natin kalimutan na ang kontra-bida ang added spice sa ating istorya. Sila kasi ang pampa-hook sa ating mga readers. Sila ang dahilan kung bakit gusto nating hampasin ang monitor sa inis, balibagin ang keyboard pag naiirita tayo at apakan ang mouse pag nanggigigil tayo sa kabulastugan ng kontrabida. It’s good. But manage to portray the character as well. Inisin mo ang readers mo whenever they talk or move para effective!

 

Balik tayo sa story na walang epal (SHORT FOR KONTRABIDA). Pwede yun. May kontrabida naman kahit hindi mo lagyan e. Walang mismong character. Yung rason naman o pagkakataon ang gagawa noon. May sakit yung bida or mamamatay siya, may nanloko o nagsinungaling, o pwedeng ang bida na mismo yung epal diba? Basta wag mo lang gawing masyadong boring ang mga eksena.

 

6.     INSERTING SONG/S ON A CERTAIN SCENE.

If you do, wag mo ilagay ang buong kanta sa eksena na dire-direcho lang. Hindi yan song hits na may mukha ni Kimpoy Feliciano sa cover page o lyricsmode.com na number 1 most searched lyrics pa rin hanggang ngayon ang kanta ni Adele na Someone Like You. Make some art, make some scene. Alam kong familiar na kayo sa ganun, sa mga nababasa natin diba.

 

Wag niyong gayahin ang author na to:

 

Hinawakan ko yung microphone,  kung sa ibang kasal e merong kumakanta kapag maglalakad na ang bride, dito sa kasal namin, ako mismo ang kakanta para sa kanya habang naglalakad siya papunta sa harapan.

 

 

Now Playing: You and Me by Lifehouse

 

 

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can’t keep up and I can’t back down
I’ve been losing so much time

‘Cause it’s you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it’s you and me and all other people
And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you

One of the things that I want to say just aren’t coming out right
I’m tripping on words
You’ve got my head spinning
I don’t know where to go from here

‘Cause it’s you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to prove
And it’s you and me and all other people
And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you

There’s something about you now
I can’t quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right

‘Cause it’s you and me and all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it’s you and me and all other people
And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you
and me and all other people with nothing to do
Nothing to prove
And it’s you and me and all other people
And I don’t know why, I can’t keep my eyes off of you

What day is it?
And in what month?
This clock never seemed so alive

 

 

Habang naglalakad si yabang papalapit sa akin, mas lumalakas ang tibok ng puso ko. Unti-unti na silang papalapit sa altar. Sobrang natulala ako kay Yabang.. Siguro, ito yung pinakamagandang harana na nagawa ko para sa kanya Ang kantahan siya sa mismong araw ng kasal namin. At sa pagkakaalam ko, ito na rin ang pinakamagandang kantang inalay ko para sa kanya. Isa sa mga paborito kong kanta..

 

Hindi ko rin magawang kumurap habang tinitignan siyang papalapit sa akin.

 

Ang..ganda..kasi niya.

 

Ang ganda ng mapapangasawa ko. ♥♥

 

–Excerpt from The Stereo Hearts by toneewritestragedies

 

O diba? Walang kwenta. Sabog lang ang gumawa? Ginawang song hits ang eksena?!

 

Make something like this:

Now Playing: Pantera-Domination

 

Agony is the price 
That you’ll pay in the end 
Domination consumes you 
Then calls you a friend

Nagsimula nang makikanta samen yung mga audience at nagbabang ng heads nila. Sa gilid naman ng mata ko e tinitignan ko si sadista. WTF. Alam nga niya talaga!

 

It’s a twisted fall 
Binds are like steel 
And manipulates the will to be 
And it’s hard to see

How soon we forget 
When there’s nothing else 
Left to destroy 
It’s a useless ploy

 

Alam kong magaling ang banda namin. Di sa pagmamayabang ah, pero we play as if we’re older than our usual ages.

Your eyes will see 
The dawn of the day 
And the writing 
On the wall 
Those words that stare 
Into your soul 
And to yourself 
You will befall
It’s domination pushed into living hell 
Domination

Lumalakas ang hiyawan ng audience dahil na rin kay sadista. Arrgh! Nakakaasar!

A now blacked heart 
Is reaching out in divinity 
Body’s suspended by chains over razors 
And nails it’s a penalty 
Each razor a vice and each nail

 

I hate to admit this, pero magaling nga talaga siya. Where the hell did she knew those chords and songs! Ang fashionistang babaeng tulad niya eh napaka-weirdo!

Marks the demise of you life. 
Grim construction grows 
Has life played a trick 
Sealed you in brick by brick 
Till your end forcing you to bend

Ikaw may kagagawan nitong lahat Lee Cuevas. Halimaw tong pinsan mo! Nagsimula na yung lead guitars part nung sadista. And I was like.. ‘Oh hell’! Naiinis ako sa sarili ko! Pinapahanga ako ng babaeng to!

Your eyes will see 
The dawn of the day 
And the writing 
On the wall 
Those words that stare 
Into your soul 
And to yourself 
You will befall

Am I falling to her charms?

Ang tipo ko pa naman sa mga babae eh yung mga musically inclined at talented when it comes to playing musical instruments.

It’s domination pushed into living hell 
Domination

 

Well, I hate to say this but..

She’s dominating my world unconsciously…

 

–Sa ayaw at sa gusto niyo, muli, Excerpt from The Stereo Hearts by toneewritestragedies

 

Kahit heavy metal ang kantang featured, the scene made soft and sweet. Kung tatanungin niyo ako kung maganda ang kantang yan, well, kung kayo ay isang rockheaded at headbanger, magugustuhan niyo to \m/ if not, wag niyo pakinggan, mapapatakip kayo sa tenga. Srsly. And your face will go something like this ~(=,,,=)~

 

So in the following examples, you now knew the difference.

 

7.     PROLOGUE.

Sorry, dapat sa taas ito pero dahil di naman ako pro na magaling gumawa ng tips dahil ito ay isang tips-tipsan lang, di ko na inayos MEEEHEHEHEHEHE! If you’ll make a prologue, make it catchy! Sundutin mo ang readers mo sa unang linya pa lang ng ng prologue. You can do what kind of prologue you want. Pwedeng POV ni bida girl/boy. Storytelling ng third person o eksena, o naman kaya flashback. For something unique, you can make a prologue na magiging eksena na pala natin sa last chapter o bago ang conflict ng story diba diba XD it’s up to you. Gawin mong memorable ang prologue. Make the lines different and strange. Yung mapapabasa mo yung reader hanggang sa chapter 1 if not, until the epilogue.

 

8.     IS IT NECESSARY TO MAKE AN EPILOGUE?

May epilogue na walang prologue. May ending na may prologue. It depends. Kung gusto mong tapusin ang istorya sa mismong eksena, don’t try to write epilogue for an extra rice. Let’s keep it on that way. Hayaan natin ang readers na ang magtuloy na mga susunod na eksena sa kanilang mga balintataw sa ginawa nating ending. We’ve done our part already. We started it, we finished it. Kung gusto mong may maganap na kasalan, engagement, love scene o parang after 5 years sa epilogue, KISS. (Keep It Short and Simple) Wag na natin ipa-complicate. Epilogue na nga e, pahihirapan pa natin ang mga sarili natin?

 

Pero aminin niyo, mahirap gumawa ng last chapter at epilogue ^__^

 

9.     PA-PROMOTE NAMAN?

Please dears, don’t make yourself pathetic when it comes to promoting your story. Tama na yung isang post lang sa inyong status or message board na “Hello! I have a new story entitled ‘Ang Lalaking Hinugot sa Aking Large Intestine’! You can read, vote and comment. Here’s the link: http://www.whyyousopogichoisiwon.com  Salamat!” iyon lang, tama na ang isa. Someone can read your story and will appreciate it. Wag mong ipangalandakan at i-message sa lahat ng mga nasa I’m A Fan Of at Fans list mo. Kasi may magbabasa at magbabasa nyan. NO OFFENSE MEANT po sa ilang may ganoong mentality. Don’t write for popularity, write because it is your craft and passion and everything else follows. Kung di mo maiwasan talaga, be general. Lagay mo na lang sa MB mo o status araw-araw. Don’t disturb someone na bigla na lang bubulaga sa mga chatbox ng kapwa natin ka-Wattpadder. Be considerate. Just a gist of info: mas maraming story dito ang kakaunti lang ang readers, YET magaganda ang plot. I promise that. From experiences (DI AKO YAN. PLOT-PLOTAN LANG AKIN, MAY READERS AKO MGA 10  PERO PLOT-PLOTAN LANG ANG SAKIN MWAHAHAHA) Open your eyes, browse and click!

 

10.   BE YOUR OWN BOSS.

Wag papaapekto sa mga comments na ‘Ano ba ‘yan bitin! Update ka na po bilis!” o naman kaya, “Bitin” or “Update please. Thanks.” Like wow ha! Ikaw nagpapasweldo saken te?! Binayaran mo Wattpad? O sige, hapit ka, ikaw na mag-update XD That’s a big NO-NO!! kapag nagcomment sila ng ganyan, wag ka mainis. Deadma lang, bakit ba? Pag di na siya nagbasa, mawawalan ka na ba ng reader? Syempre hindi ano. Nasayo kung kelan ka maguupdate. Pwedeng mamaya, bukas, sa isang bukas, next week, next month, next year. SO WHAT? Story ko to e! Write for yourself, not for the sake of votes, comments and popularity.

 

At para po sa mga ka-Wattpadders nating ganyang mag-comment, paki-bawasan lamang po. Maging sensitive naman po tayo sa mga feelings ng mga writer na sinusubaybayan natin. Be alert. Pag sinabing kauupdate lang, wag kang magcomment ng UPDATE PLEASE! O kaya, ANO BA ‘YAN BITIN. It’s offending. Sa totoo lang. Wag tayo mangulit. Libre na nga lang yung binabasa natin, ganoon pa ang ganti natin sa mag efforts ng author para magupdate kahit busy sila (OYYY. AFFECTED AKO. BWAHAHA) That’s true. May comment button sa Wattpad para magcomment kung ano yung reaction natin sa chapter, hindi para magreklamo >__< Kung gusto mo magreklamo, pagawa ka ng UPDATE PLS button. Psh. Mainit ang mata ko sa ganyan. Mga tipong sa 10 comments, 3 lang yung matinong nagcomment about sa story tas yung 7, kung hindi “UPDATE PLEASE”. “AYY BITIN” ang comment.

 

11.   PLAGIAVIRUS.

Plagiarism. Posting someone’s story as if it is your own. DON’T DO IT. Don’t be fool and pathetic. Kawawa ang mga taong inaangkin ang istoryang hindi kanila. Hiyang-hiya naman ako, nagkautak ka nga, ginamit mo naman sa kabulastugan diba? Do your own story. Don’t post it to other sites na akala mo iyo. Kung gustong-gusto mo yung istorya ng idol mo, gawa ka ng FanFic pero wag ka mag-plagiarize. Kagaguhan po kasi ang tawag doon. Sorry for the term, pero iyon ang totoo. If that’s still the case, if you’ll post it to some sites, magpaalam ka sa totoong author. Kina Alyloony, HaveYouSeenThisGirl, Modernong Maria Clara, Filipina, AlesanaMarie, BlackLily,I Love Kyle, Jessica Concha, Rainykiss,Toneewritestragedies (ANG KAPAAAAAAAAAAAAAAL! SINALI ANG NAME SA MGA MAGAGALING NA AUTHOR? HAHA. SORRY FOR TYPO XD. EXCLUDE MY NAME PLEASE) Put necessary credits under their name. hindi sila magagalit, wag niyo lang angkinin ang istorya nila.

 

PS. Pakitanggal na po yung toneewritestragedies sa list. Yan ang virus.

 

12.   LAST TIP.

Own your story. Wag ka mawalan ng gana mag-update. Pag mahal mo ang ginagawa mong istorya, wag mo burahin, wag mo iwanan. Konsepto mo ‘yan e. Wag mo papaagaw sa iba. Sayo yan. Tapusin mo. Mahalin mo. Sa huli din naman, walang kasing-sarap na fulfillment ang mararansan mo pag nilagay mo na ang THE END sa last sentence ng story mo..

 

***

 

–THE END–

Advertisements

One thought on “Tips

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s